PINATAY AT GINAPOS? Bangkay ng babae na nakagapos, natagpuan sa kuwarto ng hotel sa Maynila
Bangkay na at nakagapos pa ang mga kamay nang matagpuan ang isang babae sa kuwarto ng isang hotel sa Santa Mesa, Maynila. Ang babaeng kasama niyang mag-check-in, pinaghahanap.
Sinabi ng Barangay 587 na natuklasan sa backtracking ng pulisya na isang lalaki at babae ang kasabay na nag-check-in ng biktima sa hotel Miyerkoles ng gabi.
Napanood naman sa footage ng Barangay 589 ang babae na naka-shades at face mask habang may dalang helmet bago mag-7 a.m. kinabukasan.


No comments: