TUMILAPON ANG BATA? Ama patay, sanggol niyang anak kritikal matapos na salpukin ng truck ang kanilang kotse
Patay ang isang driver habang kritikal ang anak niyang isang-taong-gulang matapos na salpukin ng isang dump truck ang sinasakyan nilang kotse sa bahagi ng Gerona, Tarlac. Ilang sasakyan din ang nadamay sa sakuna.
“‘Yung truck biglang nag-swerve nang konti doon sa left side, so approaching po ‘yung ating kotse doon, Sir, so doon nagkabanggaan. Nawalan daw po siya ng kontrol doon sa makina,” ayon kay Gerona Police acting chief Police Lt. Col. Edilberto Santiago.
Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang driver ng kotse habang nasa intensive care unit naman ang kaniyang anak. Nakaligtas ang ina ng bata.
Nakikipag-ugnayan na umano ang abogado ng may-ari ng truck sa mga biktima, ayon sa ulat.


No comments: