banner

GINAMIT AT INIWAN PA? 8-anyos na babae, hinihinalang ginahasa at iniwan ng suspek na kritikal ang lagay sa Pampanga



Natagpuang kritikal ang lagay ng isang babaeng walong-taong-gulang na unang iniulat ng kaniyang pamilya na nawawala sa Mabalacat City, Pampanga. Ang biktima, hinihinalang ginahasa matapos ayain ng suspek na sumama para mabigyan ng P20.00.

Ayon sa pulisya, huling nakita ang biktima sa loob ng isang pisonet shot noong Linggo ng gabi. Pero hindi nakauwi ang bata kaya magdamag na hinanap ng pamilya.

Kinabukasan, humingi ng tulong sa barangay ang pamilya at sinuri ang CCTV camera sa pisonet shop, at doon nakita na kasamang umalis ng biktima ang 20-anyos na suspek na residente rin sa barangay, at kaagad siyang dinakip.

No comments:

Powered by Blogger.