PINOKPOK ANG ULO? Babae, hinihinalang pinatay sa loob ng isang simbahan sa Liloan, Cebu
Isang babae ang natagpuang patay sa loob ng isang simbahan sa Liloan, Cebu nitong Biyernes ng umaga, October 24, 2025. Ayon sa mga awtoridad, may sugat sa ulo at dugo sa ilong ng biktima.
Ayon sa pulisya, dinala pa sa ospital ang biktima na tinatayang nasa 30-anyos pero idinaklara siyang dead on arrival.
Kuwento ng isang staff sa simbahan, may nakarinig sa sigaw ng babae mula sa loob ng simbahan. Isang lalaki rin umano ang nakitang lumabas mula sa loob pero hindi na natagpuan ng mga taga-barangay nang kanilang hanapin.


No comments: