GINAMIT AT GINAPOS? Nakagapos na bangkay ng 17-anyos babae, natagpuan sa damuhan sa Bacolod City
Nakagapos ang mga kamay at walang saplot na pang-ibaba nang matagpuan sa madamong bahagi ng reclamation area ang isang 17-anyos na babae sa Bacolod City.
Huling nakitang buhay ang biktima noong Martes nang umalis ng kanilang bahay pero hindi na nakauwi pa.
Ayon kay Police Captain Francis Depasucat, hepe ng Police Station 1, kinilala ng mga kamag-anak ang bangkay ng biktima na isasailalim sa awtopsiya.
May nakita rin umanong mga galos at sugat sa katawan at braso ng biktima.


No comments: