NAABO ANG BANGKAY? Babaeng pinaglalamayan, natupok nang masunog ang bahay kung saan siya nakaburol
Doble ang dagok ng isang pamilya matapos matupok ang bangkay ng babae nang masunog ang bahay kung saan ito nakaburol sa Cordova, Cebu.
Nakadagdag sa pighati ni Myrna Baguio Salazar, 57-anyos, ang pagkasunog ng kanilang bahay at nadamay pa ang nakaburol niyang 35-anyos na anak.
Dahil mabilis ang pagkalat ng apoy, sinabi ni Salazar na nagmadali siyang lumabas ng bahay kasama ang kaniyang asawa na may problema sa pagkilos.
Bigo nang buhatin ng iba pang miyembro ng pamilya ang kabaong palabas ng bahay.
Isang nakasinding katol na dumikit sa isang tray ng itlog at kurtina ang itinuturing na sanhi ng sunog, ayon kay FO1 Bemil Genaro Jr., fire investigator sa Cordova Fire Station.


No comments: