HININTOAN AT BINARIL? Padre de pamilya, patay nang barilin sa harap ng kanilang bahay sa Nueva Ecija
Nasawi ang isang padre de pamilya matapos barilin sa harap ng kanilang bahay sa Jaen, Nueva Ecija.
Mapanonood sa CCTV ang pag-aligid ng isang rider sa bahay ng biktima sa Barangay Sapang noong Disyembre 5 bago ang pamamaslang.
Sa isa pang larawan, isang pang lalaki ang nakunan na umangkas sa motorsiklo at tumakas.
Agad rumesponde ang barangay sa crime scene pero dead on the spot ang biktima.
“Nakarinig kami ng dalawang putok. Tapos noong tiningnan namin kung ano ang nangyari sa labas ng bahay, nakita na lang namin nakahiga na ‘yung tatay ko na maraming dugo sa ulo,” sabi ni Anne Veneracion, anak ng biktima.


No comments: