BINARIL SA ULO? 14-anyos na binatilyo, binaril sa ulo habang naglalakad sa Davao Occidental
Grade 7 na estudyante, patay sa pamamaril sa Brgy. Bolila, Malita, Davao Occidental; suspek, patuloy na tinutugis ng pulisya. | via King Pandia, Super Radyo Davao pic.twitter.com/DI8YD5Nbec
— DZBB Super Radyo (@dzbb) December 8, 2025
Nasawi ang isang Grade 7 na estudyante matapos na barilin sa ulo ng salaring sakay ng motorsiklo sa Malita, Davao Occidental.
Naglalakad lang ang 14-anyos na biktima sa gilid ng kalsada sa Barangay Malita nitong weekend nang lapitan siya ng salarin at barilin sa ulo.
Matapos ang pamamaril, tumakas ang salarin sakay ng motorsiklo.
Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para matukoy ang pagkakakilanlan ng salarin, at motibo sa krimen.


No comments: