banner

GINALAW AT PINATAY? 10-anyos na babae na isang linggo nang nawawala, natagpuang patay sa Palawan



Patay na nang matagpuan sa isang sapa ang 10-taong-gulang na babae na isang linggo nang nawawala sa Bataraza, Palawan. Huling nakitang buhay ang biktima na nakasakay sa motorsiklo ng naarestong suspek.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumitaw na Nobyembre 29 nang sumama ang biktima sa mga kaibigan nito para magtinda ng gulay sa palengke.

Pagsapit ng 7:00 pm, nag-alok umano ang suspek sa ina ng mga kaibigan ng biktima na ihahatid na niya ang mga bata sakay ng motorsiklo.

Pero ayon sa dalawang kaibigan ng biktima, ibinaba sila ng suspek sa población ng barangay para sunduin ang kapatid at babalikan na lang sila. Gayunman,  isinama umano ng suspek ang biktima.

Ayon sa pulisya, isasailalim sa awtopsiya ang mga labi ng biktima para alamin ang sanhi ng pagkamatay nito.

Nasa kustodiya naman ng mga awtoridad ang suspek na nahaharap sa kasong murder. 

No comments:

Powered by Blogger.