banner

GINALAW AT SINAKSAK? 21-anyos na babae, natagpuang patay at tadtad ng saksak sa bahay sa GenSan



Patay na nang matagpuan at tadtad ng saksak sa loob ng kaniyang bahay ang isang babaeng 21-taong-gulang sa General Santos City.

Ayon sa Barangay Apopong kagawad na si Jun Lacea, bubuksan sana ng partner ang kanilang lotto outlet sa bahagi rin ng bahay nang madiskubre ang bangkay ng biktima sa kama.

Mag-isa lang umano noon sa bahay ang biktima, dahil nasa birthday party ang iba niyang kaanak. Inaasahan na susunod dapat sa kanila ang biktima pero hindi nito nagawa.

No comments:

Powered by Blogger.