BINARIL NG KAIBIGAN? Rider patay nang tambangan sa Taguig, 2 niyang kaibigan inaresto
Patay matapos tambangan at pagbabarilin ng dalawang salarin ang isang rider sa Taguig City. Ang dalawa niyang kaibigan, inaresto matapos na makitang dala nila ang ilang gamit ng biktima.
Sa video footage, makikita na binaril pa nang malapitan ng isang salarin ang biktima kahit nakatumba na. Tinangka pa nilang kunin ang motorsiklo ng biktima bago tumakas.
Dumating naman sa lugar na pinangyarihan ng krimen ang dalawang kaibigan ng biktima. Isinugod sa ospital ang rider pero idineklarang dead on arrival.


No comments: