TINAMAAN NG BALA? 4-anyos na lalaki, patay nang madamay sa shootout sa Calamba, Laguna
Nauwi sa engkuwentro ang pagsisilbi ng mga awtoridad ng arrest warrant laban sa isang lalaki sa Calamba City, Laguna. Nagresulta ito sa pagkakasawi ng dalawang sibilyan na nadamay, kabilang ang isang bata na apat na taong gulang.
Nangyari ang insidente noong October 15, 2025 sa Barangay San Cristobal, Calamba City, habang isinisilbi ng mga awtoridad ang arrest warrant laban sa target na may kinakaharap na kasong homicide.
“During the service of the warrant of arrest, initially successful, nakuha po natin siya,” sabi ni Calamba Component City Police Station officer-in-charge Police Lieutenant Colonel Dennis de Guzman sa press briefing.
No comments: