BINUGBOG ANG BUONG PAMILYA? Ilang lalaki, sumugod sa isang bahay at inupakan ang mga nakatira para kunin ang live-in partner ng isa sa mga suspek
Nag-viral sa social media ang nahuli-cam na pananakit ng ilang kalalakihan sa mga nakatira sa pinasok nilang bahay sa Pasig City. Sa paunang imbestigasyon na ginawa ng mga pulis, napag-alaman na nag-ugat ang gulo nang iwanan ng babaeng live-in partner ang isa sa mga suspek at nagtungo sa naturang bahay.
Maging ang babaeng nakatira sa naturang bahay ay pinagbuhatan din ng kamay ng mga suspek.
No comments: