PINAGBABARIL SA DAAN? Radio broadcaster sa Bicol, sugatan sa pamamaril sa Albay
Sugatan at isinugod sa ospital ang isang radio broadcaster matapos barilin sa Maharlika Highway sa Guinobatan, Albay ngayong umaga ng Lunes.
Nangyari ang insidente dakong 9:05 a.m. sa Purok 3, Barangay Morera. Nakatakas ang suspek habang dinala sa isang ospital sa Legazpi ang biktima.
Kaagad bumuo ang mga awtoridad ng Special Investigation Task Group (SITG) “Samar,” para alamin ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa salarin.
Kinondena naman ni Police Regional Office 5 Director PBGen Nestor C. Babagay Jr. ang nangyaring pag-atake kay Samar. Iniutos din niyang resolbahin kaagad ang krimen.
“Our efforts are in full motion. I have directed all our investigators to fast-track the investigation and leave no stone unturned until the suspect is identified, arrested, and held accountable for this ruthless act,” ani Babagay.
“We condemn in the strongest possible terms this senseless act of violence against a member of the media who serves as a vital pillar of truth and public awareness. We stand with the victim, his family, and the media community in this difficult time. The PNP Bicol will pursue all leads and work tirelessly to uncover the motive and bring the perpetrator to justice,” dagdag niya.
Sa isang pahayag ni Undersecretary Jose Torres Jr., Executive Director ng Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS), kinondena nito ang pag-atake kay Samar.
No comments: