BINARIL AT HINOLDAP? Lalaking natanggal sa trabaho, hinoldap ang dating pinapasukang gas station, P100k cash tinangay
Ilang araw matapos tanggalin sa trabaho, bumalik sa dati niyang pinapasukang gas station sa General Santos City ang isang dating gasoline boy hindi para mangamusta ng mga dating katrabaho kung hindi para mangholdap. Ang natangay niyang pera, aabot sa P100,000.00.
Sa kuha ng CCTV camera ng gas station, nahuli-cam ang suspek na may hawak na baril habang inuutusan ang isang babae na ilagay sa bag ang mga pera na kaniyang natangay.
No comments: