DINURAAN ANG HOLY WATER? Huli sa video ang babaeng vlogger na 'dumura' sa holy water ng simbahan 'Nag-wish lang ako!'
Nagbigay ng pahayag ang babaeng content creator na si Thine Medalla matapos kumalat at putaktihin ang kaniyang viral video kung saan inakusahan siya ng pandudura sa lagayan ng holy water sa isang simbahan sa Misamis Occidental.
Aniya, hindi raw siya dumura kundi napatingin lamang sa lalagyanan ng holy water at nag-wish. Hindi raw niya magagawa ang paglapastangan sa simbahan para lang sa views.
"Kumuha ako ng sobre tapos binalik ko kaagad tapos tumingin ako sa holy water kasi nag-wish ako doon sa holy water,” paliwanag niya sa panayam ng media outlet.
No comments: