WALANG KAIN AT PAGOD? OFW na pauwi na umano sa pamilya, namatay sa sinasakyang bus
Malungkot na balita ang sasalubong sa pamilya ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) matapos itong bawian ng buhay sa sinasakyang bus pauwi sa Negros Oriental noong Lunes, Agosto 4.
Ang OFW ay kinilala bilang si Wilma Auza, na natukoy ang pagkakakilanlan sa tulong ng kaniyang mga government ID.
Makikita sa Facebook post ni Jepoy Zerimar noong Lunes, Agosto 4, ang wala nang buhay na si Auza, hindi na gumagalaw at wala ng pulso.
Ayon sa impormasyon, si Auza ay unang nanggaling sa Nagoya, Japan.
Mula Japan, bumiyahe ang OFW papuntang Maynila noong Linggo, Agosto 3.
Makalipas ilang oras, diretso biyahe naman si Auza mula sa Maynila papuntang Cebu at pagkalapag nito, sumakay ito sa Cebu South Bus Terminal patungong Negros Oriental.
Saad ng uploader sa kaniyang post, naawa sila kay Auza dahil tila hilong-hilo at sumusuka ito sa biyahe. Nang subukang gumamit ng isang pamahid, kahit papaano ay nahimasmasan naman ito.
No comments: