PINATAY AT TINAPON NALANG? 2 bangkay ng babae, natagpuan sa gilid ng highway sa Zambales
Dalawang bangkay ng babae ang nakitang may tama ng bala ng baril sa gilid ng highway sa bayan ng Palauig sa Zambales ngayong Huwebes, August 14.
Sa ulat ni Mark Makalalad sa Super Radyo dzBB, sinabi ng pulisya na dakong 6:00 am nang makita ng mga dumadaan ang bangkay ng dalawang babae sa Barangay Salaza.
Sa paunang imbestigasyon, inihayag umano ng isang residente ang nakarinig ng isang sasakyan na matulin na dumaan sa lugar kaninang madaling araw.
Makalipas ang ilang minuto, may nadinig na umanong mga putok ng baril.
No comments: