banner

NAPATAY NG MASIPA! Lalaki patay matapos masipa habang umaawat ng mag away ang mag asawa sa Cebu restobar!



Isang trahedya ang gumulantang sa isang restobar sa Barangay Daanlungsod, Alcoy, Cebu matapos masawi ang isang 55-anyos na lalaking caretaker na diumano’y umawat lamang ng away ng isang magkasintahan.

Ayon sa mga ulat, naganap ang insidente habang mainit na nagtatalo ang isang lalaki at kanyang kasintahan sa loob ng bar. Tinangka umanong awatin ng biktima ang sitwasyon upang hindi na lumala pa. Sa gitna ng tensyon, bigla na lang umanong sinipa ng lalaki ang caretaker—dahilan upang ito ay mawalan ng balanse at mahulog sa hagdanan.

Mabilis na rumesponde ang mga tauhan ng bar at isinugod sa pinakamalapit na ospital ang biktima. Ngunit idineklara rin siyang dead on arrival dahil sa matinding tinamong pinsala sa ulo. Agad namang nagsimula ang hot-pursuit operation ng lokal na pulisya upang matunton at arestuhin ang lalaking suspek. 

Ayon sa imbestigasyon, hindi umano ito residente ng lugar at posibleng pansamantalang bumisita lamang sa Alcoy. Inihahanda na rin ang kasong isasampa laban sa kanya.

No comments:

Powered by Blogger.