banner

DAPAT PARUSAHAN! 'Congressmeow' ng Cavite, iminungkahi 'death penalty' para sa mga nagkakalat ng basura


May iminungkahi si Cavite 4th district Representative Kiko “Congressmeow” Barzaga tungkol sa pagpaparusa raw sa mga paulit-ulit na lumalabag sa batas kahit sa maliliit na bagay katulad na lamang ng pagkakalat ng basura.

Sa kaniyang Facebook post noong Biyernes, Hulyo 25, 2025, ginawa niyang halimbawa ang littering na dapat daw ay tapatan ng death penalty kung patuloy na inuulit ng mga lalabag na gumawa nito.

“Penalties for small crimes like littering should gradually become more severe for repeat offenders,” ani Barzaga.

Dagdag pa niya, “For example, 1st offense (small fine), 2nd offense (medium fine), 3rd offense (large fine), 50th offense (imprisonment), 100th offense (death penalty),” anang mambabatas

Nanindigan din siyang karapat-dapat lang daw na ipasok sa kaniyang mungkahi ang paulit-ulit na pagkakalat dahil daw sa malaking epekto nito sa kalikasan.

“I would argue that repeated littering on a severe degree is worthy of the death penalty, since littering is an intentional act that damages the environment and harms indigent communities,” saad niya. 

No comments:

Powered by Blogger.