banner

BALIBALI ANG KATAWAN? 2 nakamotor na lola patay matapos masalpok ng closed van



Dedo ang 65 taong gulang na lolang nakaangkas sa motor habang sugatan ang 64-anyos ding lola na rider matapos mabangga ng closed van ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Barangay

Caburao, Santiago, Ilocos Sur, nitong Lunes ng umaga.

Sa imbestigasyon ng pulisya, minamaneho ng 64 taong gulang na lola na si Saturnina Bañaga ang motorsiklo at angkas nito ang 65 taong gulang na si Marilyn Garriga.

Nasa kabilang linya ang motorsiklo at lumiko pakaliwa kaya nabangga ng kasalubong na closed van.

Sa lakas ng pagbangga, tumilapon ang dalawang matanda.

Itinakbo sa ospital ang dalawa pero nasawi si Garriga habang nagtamo ng sugat si Bañaga.

Wala namang nangyari sa mga sakay ng closed van.

Gayunman, nagkaaregluhan din ang dalawang panig. 

No comments:

Powered by Blogger.