banner

SINAKSAK NI MISTER? Titser nasawi matapos saksakin umano ng asawa dahil sa pagtatalo ukol sa Facebook post



Isa na namang trahedya ang naiulat kaugnay ng tensyong nag-ugat sa social media. Binawian ng buhay ang isang 34-anyos na titser matapos umanong saksakin ng kanyang sariling mister sa kalagitnaan ng kanilang pagtatalo ukol sa isang Facebook post. 

Kinilala ang biktima na si Mary Ann Manzanillo, residente ng Proper 3, Brgy. Mascap, Rodriguez, Rizal.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nangyari ang insidente nitong Miyerkoles habang magkasamang nag-aalmusal ang mag-asawa. Sa halip na maging payapang umaga, nauwi ito sa matinding pagtatalo matapos magbangayan ang dalawa ukol sa isang post sa social media. 

Sa kasagsagan ng pagtatalo, binuhusan umano ng kape ng mister ang kanyang misis bago kumuha ng kutsilyo at ilang ulit na inundayan ng saksak si Mary Ann.

No comments:

Powered by Blogger.