TUMILAPON PA? Buntis na nurse, nasawi matapos mabangga ng 2 sasakyan sanggol, lumabas pero patay din
Kalunos-lunos ang sinapit ng isang nurse na anim na buwang buntis na nasawi matapos na mabundol ng dalawang sasakyan habang tumatawid sa pedestrian lane sa Bago City, Negros Occidental. Ang sanggol sa sinapupunan niya, hindi rin nakaligtas.
Sa ulat ni Adrian Prietos sa GMA Regional TV One Western Visayas nitong Lunes, lumabas sa imbestigasyon ng pulisya na papasok sa trabaho sa Valladolid para sa kaniyang night shift duty si Maria Angela Buendia, 36-anyos.
Pero habang tumatawid sa pedestrian lane sa Barangay Taloc, nitong Linggo ng gabi, nahagip siya ng sasakyan na minamaneho ni Philip Jansen Cantiller.
Tumilapon ang biktima sa kabilang bahagi ng kalsada at muling nahagip ng isa pang sasakyan na minamaneho naman ni Salvador Castro.
Lumabas ang sanggol na lalaki sa sinapupunan ng biktima na pangalawa sanang niyang anak. Nasawi rin ang sanggol.
No comments: