PWEDENG KASUHAN? Pagkaladkad ng rider sa asong itinali sa motorsiklo kinondena ng mga Netizen!
Kinondena ng animal welfare groups at netizens ang rider sa nag-viral na video na makikitang may kinakaladkad siyang aso sa kaniyang motorsiklo sa Calasiao, Pangasinan.
Sa ulat ni Jewel Fernandez sa GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Lunes, makikita sa video footage na nagagawa pa ng aso noong una na maglakad habang nakatali sa likod ng motorsiklo hanggang sa makaladkad na siya.
Nahuli-cam umano sa CCTV camera ng Barangay Banaoang ang insidente pero lumalabas na hindi residente sa lugar ang rider.
“’Yung pagkakita natin doon sa paghila niya ng aso, malamang ‘yung aso na ‘yun, nagkapilay-pilay. I would say na mamamatay talaga ‘yun. Hindi ‘yun magsu-survive sa ganoong ginawa niya kasi hindi naman naipa-vet ‘yun eh,” ayon kay Greg Quimpo, Regional Manager of the Animal Welfare Investigations Project.
No comments: