banner

BINARIL SA ULO? Lalaking pumasok sa bakuran na may dalang LPG tank, nabaril ng may-ari ng bahay sa Pangasinan



Dalawa ang sugatan sa tama ng bala ng baril sa nangyaring kaguluhan sa Barangay Poblacion sa Malasiqui, Pangasinan. Nag-ugat umano ang insidente sa pagpasok sa loob ng gate ng isa sa mga nasugatan at may bitbit na LPG tank na inihagis niya sa lalaking may-ari ng bahay.

Ibinato ng lalaki ang tangke sa may-ari ng bahay.

Kasunod nito, tumakbo ang may-ari ng bahay palabas ng gate at sinundan siya ng lalaki. Hindi na kita sa CCTV camera pero bumunot umano ng baril ang may-ari ng bahay at nagpaputok ng warning shot pero tinamaan ang lalaki at isang pang sibilyan na menor de edad.

Dinala ang dalawa sa ospital at nagpapagaling na. Wala pa silang pahayag sa nangyari.

No comments:

Powered by Blogger.