NAWALAN NG KONTROL? Montero inararo ang mga Motorsiklo, 8 katao patay 1 sugatan bago bumangga sa Puno
Walo katao, kabilang ang isang 5-taong gulang na bata ang sugatan matapos bumangga ang sinasakyan nilang Mitsubishi Montero sa isang puno sa Maharlika Highway, Barangay Sumilang, Calauag, Quezon, alas-6:30 ng umaga nitong Biyernes, Mayo 31.
Ayon sa report ng Calauag police, nawalan ng kontrol sa manibela ang driver na kinilalang si Adolf, 40-taong gulang, dahil umano sa antok at kalasingan.
Base sa inisyal na imbestigasyon, bago bumangga sa puno, nahagip din ng Montero ang dalawang nakaparadang motorsiklo bago ito tumalon sa kalsada.
Agad dinala sa St. Peter General Hospital ang mga pasahero ng SUV.
No comments: