TINAGA? Pulis, duguan matapos na makipagbuno sa lalaking nagwawala at may patalim para iligtas ang mga tao



Pinatunayan ng isang pulis sa ParaƱaque na nakipagbuno sa isang lalaki na nagwawala habang may hawak na patalim na handa silang tumulong at itaya ang kanilang buhay para protektahan ang mga sibilyan. 

Binigyang-pagkilala ang isang pulis na duguan matapos siyang buong tapang na nakipambuno sa isang lalaking may butcher’s knife at nag-amok sa Barangay San Antonio, Valley 8, sa ParaƱaque.

Sa nakaraang episode ng “Good News,” ipinakita ang CCTV footage sa Barangay San Antonio, Valley 8 sa ParaƱaque, ang kabayanihang ginawa ni Police Staff Sergeant Carlo Navarro, na nakadestino sa Station 5 ng ParaƱaque Police Station.

Kuwento ni Navarro, Mayo 23 nang makatanggap sila ng tawag tungkol sa isang nagwawalang tao sa lugar. Dahil dito, dumiretso sila ng isa pang kasamahang pulis upag rumesponde.

“Pagdating namin sa lugar, naabutan namin 'yung tao na may hawak na basag na bote,” ani Navarro.

No comments:

Powered by Blogger.