MALAPITANG BINARIL SA DAAN! Isang barangay chairman sa Talavera Nueva Ecija, patay sa pamamaril
Patay ang isang barangay chairman matapos siyang pagbabarilin habang nakikipag-usap sa isang tauhan ng bantay-bayan sa gilid ng Maharlika Highway sa Talavera, Nueva Ecija.
Sa ulat GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Martes, kinilala ang biktima na si Joel Damacio, punong barangay ng Calipahan. Idineklara siyang dead on arrival sa ospital.
Sa imbestigasyon ng pulisya, galing sa aktibidad ng Brigada Eskwela si Damacio nitong Lunes ng umaga at pauwi na nang makita niya ang tauhan ng bantay-bayan na kaniyang kinausap.
Pero habang nag-uusap ang dalawa, pinagbabaril sila ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklo.
Sugatan at dinala sa ospital ang tauhan ng bantay-bayan. Nakatakas naman ang mga salarin.
No comments: