banner

NAHULI SA AKTO! Tatlong babaeng miyembro umano ng Salisi Gang, huli matapos mambiktima sa Commonwealth Avenue



Timbog ang tatlong babae na mga miyembro umano ng Salisi Gang matapos silang mambiktima sa Don Fabian Street, corner Commonwealth Avenue sa Quezon City. Ang dalawang cellphone ng mga biktima, nabawi.

Ayon kay Police Major Jerryzaldy Tugbo, Deputy Station Commander ng Batasan Police, nag-aabang ng masasakyan ang mga biktima nang kunin ng mga suspek ang kanilang mga cellphone, ngunit nakita ito ng mga bystander.

Agad namang nakahingi ng tulong ang mga biktima at may responde agad ng mga pulis.

Nabawi mula sa mga suspek ang ninakaw nilang dalawang cellphone.

Sa police station, natuklasan ng mga awtoridad na may warrant of arrest din ang isa sa mga suspek na 42-anyos para sa kasong theft na inisyu ng Metropolitan Trial Court sa Quezon City. Isinilbi ito sa kaniya ng mga awtoridad.

No comments:

Powered by Blogger.