SOBRANG LASING! Rider na galing umano sa inuman, patay nang sumalpok sa AUV ang minamanehong motorsiklo sa Pangasinan



Nasawi ang isang 23-anyos na rider matapos na bumangga ang minamaneho niyang motorsiklo sa isang Asian utility vehicle (AUV) sa Sta. Barbara, Pangasinan.

Sa kuha ng closed circuit television (CCTV) camera dakong 10:00 pm, makikita ang motorsiklo ng biktima na dire-diretso sa linya ng daan ng AUV hanggang sa mangyari ang banggaan.

Ayon sa mga awtoridad, lumabas sa imbestigasyo na nag-U-turn bigla ang motorsiklo at bumangga sa AUV.

No comments:

Powered by Blogger.