NILAPITAN TAPOS BINARIL? Babaeng may kaso ng ilegal na droga at reklamong pagnanakaw, patay nang pagbabarilin ng riding-in-tandem



Nasawi ang isang 34-anyos na babaeng kalalaya lang matapos siyang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Barangay Marulas, Valenzuela City. Ang biktima, may kaso dahil sa ilegal na droga at inireklamo na rin ng pagnanakaw umano.

Mapanonood sa CCTV nitong Huwebes ang pagdating ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo.

Ilang saglit lang, pinagbabaril na ng angkas ng motor ang babaeng nakatayo sa gilid ng kalsada. Bumaba pa ang lalaki, nilapitan ang biktima at muling pinaulanan ng bala saka tumakas ang riding-in-tandem.

Dead on the spot ang biktima, na nagtamo ng hindi bababa sa apat na tama ng bala.

No comments:

Powered by Blogger.