NAKIPAGBARILAN SA MGA PULIS? Lalaking suspek sa pagbebenta ng ilegal na baril, patay nang manlaban umano sa mga pulis
Nasawi ang isang lalaking hinihinalang nagbebenta ng ilegal na baril matapos makipagbarilan umano sa pulisya na huhuli sa kaniya sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City. Ang suspek, nasangkot na rin daw sa mga kaso ng robbery-hold-up.
Bibilhin sana sa suspek ng mga undercover na pulis ng isang .45 na baril. Pero natunugan umano nito na pulis ang kaniyang katransaksiyon at unang namaril.
Gumanti naman ng putok ang mga pulisya at napatay ang suspek. Ngunit hindi kaagad naiproseso ng mga awtoridad ang crime scene dahil sa naiwan umanong granada na mula sa suspek.
No comments: