NAGULUNGAN AT NAWASAK! Tricycle na nasagi ng isang truck, bumangga sa isa pang truck 2 patay, 1 sugatan



Dalawa ang nasawi, at isa ang sugatan matapos masagi ng isang truck ang sinasakyan nilang tricycle, at mabunggo ng isa pang truck sa Nueva Ecija.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lumitaw na isang 10-wheeler na wing van ang unang nakasagi sa tricycle na dahilan para mawalan ng kontrol ang driver at napunta sa kabilang bahagi ng kalsada, at doon naman nasalpok ng paparating na trailer truck.

Sa lakas ng pagbangga, nawasak ang tricycle at tumilapon ang mga sakay nito.

No comments:

Powered by Blogger.