PUTOL SA PAGSABOG? Binatilyo, patay matapos mapagkamalang gold bar ang vintage bomb sa Bukidnon



Isang nakakabiglang trahedya ang yumanig sa Bukidnon matapos masawi ang isang 15-anyos na binatilyo nang sumabog ang isang bagay na kanilang napagkamalang gold bar.

Ayon sa mga ulat, natagpuan ng mga biktima kasama ang dalawa pa nitong kaibigan—edad 18 at 33 anyos—ang isang kakaibang bagay sa isang bahagi ng kanilang lugar na inakala nilang gold bars.

Sa pag-asang nakahukay sila ng isang mahalagang kayamanan, ginupit nila ang bahagi ng naturang bagay upang tingnan kung ito ay totoo. Sa hindi inaasahang pagkakataon, bigla itong sumabog, dahilan para magtamo ng matinding pinsala ang 15-anyos. 

Agad siyang isinugod sa pinakamalapit na ospital ngunit idineklarang dead on arrival. Samantala, nakaligtas naman ang dalawa niyang kasama, bagama’t sila’y labis na nabigla at naapektuhan sa pangyayari.

No comments:

Powered by Blogger.