NABIYAK ANG ULO? 25-anyos na rider, nasawi matapos sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa poste
Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang isang rider matapos na bumangga ang minamaneho niyang motorsiklo sa isang kongkretong poste sa Sta. Maria, Ilocos Sur.
Ayon sa awtoridad, posibleng nawalan ng kontrol ang 25-anyos na rider sa minamaneho niyang motorsiklo kaya ito bumangga sa poste.
Sa lakas ng pagbangga, tumilapon pa ang biktima ng ilang metro matapos na tumama sa gate ng barangay plaza.
Nagtamo ng mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima.


No comments: