NAKUNAN NG VIDEO! Paglikida sa 2 lalaki bago inilibing sa bakanteng lote sa Sarangani nakuhanan ng video
Nahuli na ang isang dating barangay kagawad na suspek sa pagpatay sa dalawang lalaki at saka inilibing sa isang bakanteng lote sa Alabel, Sarangani noong 2024. Ang naturang krimen, nakuhanan ng video na nagamit sa ginawang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.
Ayon sa CIDG, nakita ang kalansay ng dalawang biktima sa isang bakanteng lote sa Alabel noong December 25, 2024, na magkasabay na nilikida ng umano'y grupo ni "Kagawad."
Sa video footage na nakuha ng mga awtoridad, makikita ang dalawang biktima na nakaupo sa isang kubo sa Barangay Baluntay nang basta na lang sila pagbabarilin ng dalawang suspek--isa umano sa mga ito si "Kagawad."
Batay sa imbestigasyon ng pulisya, magkakasama sa isang grupo ang mga biktima at mga suspek na sangkot sa mga ilegal na gawain tulad ng land grabbing, illegal drugs, gun running, at robbery, ayon kay CIDG-Sarangani Chief, Police Major Jun Fortunato.
No comments: