WALA NG SAPLOT? 8-anyos na babae na ilang araw nang nawawala, nakitang patay at nakapatong sa bato



Patay na at nakababa ang underwear nang makita ang isang babae na walong-taong-gulang na ilang araw nang nawawala sa Iligan City.

Sinabing natagpuan ang katawan ng bata nakabatong sa bato nitong Lunes sa Purok 13, Timoga, Barangay Buru-un dakong 3:00 p.m. 

Ayon sa pulisya, residente sa lugar ang bata na nawawala mula pa noong June 5, 2025.

Huli siyang nakitang buhay malapit sa kanilang bahay at kinalaunan ay nagtungo sa kalapit na sapa kasama ang isa pang bata.

Iniimbestigahan ng pulisya kung may foul play sa nangyari sa bata, lalo na't nakababa umano ang underwear nito nang makita ang kaniyang bangkay.

No comments:

Powered by Blogger.