BASAG ANG ULO! Construction worker, patay nang mahulugan sa ulo ng bakal na tubo mula sa ika-22 palapag ng gusali



Nasawi ang isang construction worker matapos umanong mahulog ang isang bakal na tubo mula pa sa ika-22 palapag ng gusali at tumama ito sa kaniyang ulo sa Cebu City.

Lumabas sa imbestigasyon ng Office of the Building Official na nasa gondola noon ang biktima habang nagtatrabaho sa ikawalong palapag ng gusali, nang mabagsakan siya ng bakal na tubo.

Sa lakas ng impact, nabiyak ang suot niyang hard hat.

Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktima.

No comments:

Powered by Blogger.