KULONG ULIT? ‘Boy Dila’ na viral sa pambabasa ng rider noon, nakakulong ngayon dahil sa pambabastos sa babae
Nadatnan sa kulungan ang lalaking tinaguriang si “Boy Dila,” na viral dahil sa pambabasa niya sa isang rider sa Wattah Wattah Festival noong 2024, matapos siyang ireklamo naman ngayon ng pambabastos ng menor de edad na babae na kaniyang sinitsitan.
Ngunit sa paghahanap, sa kulungan na natunton si “Boy Dila.”
“Wala sir, nakasuhan po ako ng Anti-Bastos Law. Sa pagsitsit po sir. Menor de edad sir, nadala lang po sa pagkalasing ko sir,” sabi ni “Boy Dila.”
Nagtakda na ang lokal na pamahalaan ng San Juan ng lugar kung saan puwedeng mambasa sa Pista ng San Juan, matapos maging wala na sa lugar ang ilang pambabasa ng mga residente sa Wattah Wattah Festival noong nakaraang taon.
No comments: