INABANGAN NA? Lalaking nagtatago, huli sa pamamaril sa isang tricycle driver sa Caloocan



Timbog ang isang 43-anyos na lalaki na ilang buwang nagtago dahil sa pamamaril sa isang tricycle driver sa Bagong Silang, Caloocan.

Tinungo ng mga operatiba ng Northern Police District Special Operation Unit ang isang bahagi ng Barangay 176-B at doon inabutang nakasakay sa tricycle ang kanilang target na subject ng arrest warrant.

Agad pinadapa at pinosasan ang target.

“Nalaman natin na nagtago siya sa part ng Santa Maria, Bulacan at dito sa may Cavite. So palipat-lipat siya hanggang meron tayong tipster na nagturo na umuwi-uwi siya ng Sabado-Linggo. So inabangan ng tropa,” sabi ni Police Lieutenant Colonel Alain Licdan, hepe ng Northern Police District - District Special Operation Unit.

No comments:

Powered by Blogger.