SINUNOG? Tatlong batang magkakapatid patay at Natusta nang silaban umano ng kanilang ina



Nasawi ang tatlong batang magkakapatid na edad isa hanggang anim, matapos silang silaban umano ng kanilang ina, na namatay din nang silaban din ang sarili sa Santa Maria, Bulacan.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na binuhusan umano ng ina ng paint thinner ang kaniyang mga anak na pawang lalaki bago sila sinindihan gamit ang posporo.

Matapos nito, nagbuhos din ng thinner ang ina, at sinilaban din ang sarili.

Ang impormasyon ay nakuha ng pulisya, sa salaysay ng isa sa mga anak bago pumanaw sa ospital.

No comments:

Powered by Blogger.