NIRATRAT? Barangay kagawad patay agad sa loob ng sasakyan ng Pagbabarilin ng riding in tandem
Patay ang isang barangay kagawad matapos siyang barilin habang nasa sasakyan ng mga salarin na nakasakay sa motorsiklo sa Barangay Bagtas sa Tanza, Cavite. Tinarget ang biktima kahit may kasamang mga bata sa sasakyan.
Tinamaan siya sa leeg at pumanaw makaraan ang dalawang oras matapos ang pamamaril.
“Planado ito. Simula pa lamang sa bahay ni konsehal, papunta, pagpasok niya sa barangay hall, nakaabang na yung mga suspek, sinundan siya. Habang nakasakay siya sa sasakyan niya, sinundan siya ng dalawang lalaking naka-motor,” ayon kay Police Senior Master Sergeant Israel Villela ng Tanza Police.
Nang tumigil ang sasakyan ng biktima, kaagad na lumabas ang kaniyang kinakasama at apat na anak, na sa kabutihang-palad ay walang tinamong sugat.
No comments: