banner

PINOKPOK SA ULO? Isang Lalaki duguan ng hinataw ng maso ng nakaalitan niya sa bilyaran sa Cebu



Malubhang nasugatan at kinailangang operahan ang isang lalaki matapos siyang hampasin ng maso ng mga nakaalitan niya sa bilyaran sa Consolacion, Cebu.

Nang abutan ng dalawang suspek ang biktima, hinataw siya ng maso at iniwan na nakahandusay.

Ayon kay Consolacion Police Deputy Chief for Operations Police Lt. Harren Ralph Dunton, nagkaroon ng mainit na pagtatalo ang biktima at mga suspek dahil sa pustahan sa bilyar, hanggang sa nauwi sa sakitan.

Nagtamo ng matinding sugat sa ulo ang biktima na kinailangang operahan. Patuloy namang hinahanap ang dalawang salarin.

Ang isa sa mga suspek, nakaalis na umano papunta sa Negros Occidental para takasan ang ginawa sa biktima.

No comments:

Powered by Blogger.