MUNTIK MADUKOT? Tatlong menor de edad na babae tinangka umanong dukutin ng 21-anyos na lalaki at isakay sa kotse
Tatlong dalagita-- dalawa ang edad 12 at isang 14 -- ang tinangka umanong tangayin ng isang lalaki na nag-alok sa kanilang sumakay sa kotse para ihatid sa kanilang bahay sa Oton, Iloilo.
Nagtamo ng galos ang dalawa nang tumalon palabas ng sasakyan, habang nagpakita naman sa pulisya ang lalaki para itanggi ang paratang laban sa kaniya.
Sa closed-circuit television (CCTV) camera, nakita ang isang kotse na lumiko sa bahagi ng Sunset Boulevard sa Barangay Cagbang, na pinagsakyan sa mga dalagita.
Kuwento ng 14-anyos na biktima, naglalakad sila sa Sunset Boulevard nang tumigil sa tapat nila ang kotse at nagtanong ang driver ng daan papunta sa bayan ng Oton.
Doon na umano sila hinikayat ng driver na sumakay para ihatid sa kanilang bahay.
No comments: