MALING DOKTOR? Bata nangisay at namatay matapos magpatuli sa isang clinic sa Tondo
Isang lalaking 10-taong-gulang ang nangisay at nasawi matapos umanong tuliin ng isang nagpakilalang doktor sa isang lying-in clinic sa Tondo, Manila.
Kuwento ng ina ng bata na si Marjorie San Agustin, malakas ang anak niyang si Nathan nang dinala niya sa clinic para matuli.
Ayon kay Marjorie, isang lalaking nagpakilalang doktor ang nagtuli sa kaniyang anak. Tinurukan din umano ng anesthesia na 20cc ang kaniyang anak, batay sa sinabi ng isang staff.
No comments: