WALANG KWENTA? Bong Nebrija Sinupalpal si BOSITA Matapos MATALO "PURO KA QUADCOM AT NGAWNGAW!"



Matapos matalo sa kanyang pagtakbo sa pagkasenador noong nakaraang May 12 midterm elections, nagpakawala ng bomba si Col. Edison “Bong” Nebrija laban kay 1-Rider party-list Rep. Bonifacio Bosita dahil wala itong naipasang batas sa Kongreso para makatulong sa komunidad ng motorcycle riders.

“Kabila ka pa ng epal ano ngayong pinagsasabing papaglaban mo eh puro ka QuadComm at hearing na hindi related sa rider pinagkakaabalahan mo,” ani Nebrija sa kanyang post.

Si Nebrija ay kasalukuyang supervisor sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Traffic Education Division na aktibo sa adbokasiya sa road safety, lalo na sa riding community.

“Tapos ngayong ‘di ka na congressman ngawngaw ka nang ngawngaw,” ani Nebrija bilang patama kay Bosita.

“Puwede ba huwag kang magpanggap na may malasakit sa rider kasi wala as in zero bill kang naipasa sa Kongreso,” dagdag ng opisyal ng MMDA.

No comments:

Powered by Blogger.