BASAG ANG MUKHA? Miyembro ng LGBT sugatan matapos gulpihin ng kapwa LGBT sa Tondo



Sugatan ang isang miyembro ng LGBTQIA+ community sa Tondo, Maynila matapos siyang bugbugin ng kapwa LGBT dahil umano sa selos.

Nangyari ang insidente sa Asuncion Market nitong Linggo ng gabi.

Katatapos lang dumalo ng binyagan ang biktimang kinilalang si alyas Erica, 27-anyos, nang mapadaan siya sa Asuncion Market sakay ng kanyang minamanehong motorsiklo.

Ilang saglit lang, nilapitan siya ng suspek na kinilalang si alyas Miriam, 26-anyos, at bigla siyang pinagsusuntok nito.

Kita pa sa CCTV na kahit bumagsak na ang biktima, patuloy pa rin siyang pinagsusuntok at pagtatadyakan ng suspek. Matapos nito, agad tumakas ang suspek.

No comments:

Powered by Blogger.