HULI KA! Dalagitang Pasahero nakaligtas sa tangkang pagkama at pagdala sa hotel ng tricycle driver
Nabulilyaso ang masamang balak ng isang tricycle driver na idiniretso sa hotel sa halip na ihatid pauwi ang 16-anyos na babae niyang pasahero sa Antipolo, Rizal. Ang naging sagabal sa kaniyang plano, ang kahera ng hotel.
Pero nagtaka umano ang dalagita nang sa ibang direksyon nagtungo ang tricycle sa halip na papunta sa direksyon ng kaniyang bahay.
“Sabi ko po sa kanya, ‘Kuya, ibaba niyo po na lang ako dito kasi 'di naman po ako dito nagpapadala.' Ang ginawa niya naman po, binilisan niya lalo yung takbo ng tricycle niya. Natatakot na po ako noon, kasi 'di ko na po alam gagawin ko,” kuwento ng biktima.
No comments: