SA HARAPAN MISMO? Kararating na OFW brutal na pinaslang ng asawa sa harap mismo ng mga anak



Kinilala ang biktima na si Zynnel Joy Pagaling, 34-anyos na Overseas Filipino Worker (OFW), na apat na araw pa lamang mula nang makauwi sa Pilipinas mula Riyadh.

Sa ulat ng Bombo Radyo Roxas, sinabi ina ng biktima na si Ferly Pagaling, sinadya umano ng suspek na si Manuel Diaz-Mendoza, 40-anyos, na hasain ang screwdriver bago paulit-ulit na saksakin si Zynnel sa dibdib at tagiliran. 

Naganap ang karumal-dumal na krimen sa harap mismo ng kanilang tatlong anak, na walang nagawa kundi ang sumigaw at magmakaawa sa kanilang ama na itigil ang pananakit. Bukod sa pagkawala ng buhay ni Zynnel, nawawala rin ang tinatayang ₱100,000 na perang dala niya mula sa abroad. 

Ayon sa mga kapitbahay, may nakita silang lalaking sakay ng motorsiklo na umalis sa bahay ng biktima matapos ang insidente. Pagdating ng kapatid ni Zynnel sa lugar, nadatnan niyang magulo ang bahay at nawawala ang pitaka ng biktima.

No comments:

Powered by Blogger.