SOBRANG WASAK? Tricycle Driver at 2 niyang pasaherong babae patay nang masalpok sila ng Malaking bus sa Ilocos Sur



Tatlo ang nasawi--kabilang ang dalawang babae--nang masalpok ng isang pampasaherong bus ang tricycle na sinasakyan ng mga biktima sa Sto. Domingo, Ilocos Sur.

Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Biyernes, sinabing nangyari ang insidente sa national highway sa bahagi ng Barangay San Pablo nitong madaling araw ng Huwebes.

Sa closed circuit television (CCTV) footage, makikita ang tricycle na nakatigil sa shoulder lane. Nang lumampas sa kaniya ang isang truck, bigla itong nag-U-turn at doon na nahagip ng bus na nasa kabilang linya.

Napuruhan ang gilid ng tricycle na sakay ang dalawang babaeng pasahero na hindi na umabot nang buhay sa ospital.

No comments:

Powered by Blogger.